Hi everyone! Good morning! Crowd sourcing lang paano magcommute from Sucat to Science Hub Mckinley kung 4pm to 1am ang shift.
I did some research and ito yung mga nakita ko:
Jeep to market market then baba sa Mckinley (sa Shell) - sa ganitong route, paano or ano sasakyan papunta sa Science Hub?
Jeep to market market then sakay ng metrolink bus going to Venice Mall - madali ba makasakay ng bus kung around 3pm from market market?
Jeep to market market then e-jeep to gate 3 - if from market market mabilis lang ba sya mapuno if around 3pm?
Alabang to Venice Mall - usually anong oras sya umaalis? Every hour ba? Nagsstop ba sya sa Sucat para sana hindi na ako pupunta ng Alabang terminal?
May nabasa dn ako na may UV din daw from Sucat na direcho sa Mckinley however parang wala naman ako napapansin.
Alin sa mga route na yan ang pinaka ok? As much as possible I am exploring yung commute since 5days onsite kami and masyadong mahal if mag angkas or joyride ako papunta at pauwe.
Thank you in advance sa mga sasagot.