Photo exhibit na poverty porn at stereotypical 🧐
Napadaan ako sa isang photo exhibit sa 2nd floor ng AB. Akala ko magiging parang love letter ito o kahit papaano’y appreciation sa “kalye” culture (dahil sinabi sa amin na ipapakita raw nito ang parehong positive at negative). Pero ang nakita ko lang ay puro negatibo at hateful towards sa kulturang ito.
mid naman yung mga photos dinaan lang sa
blocking, pero ang talagang nakakatawa ay ang mga “poetic-kuno” na caption sa ilalim ng mga litrato. 😵💫 Kung talagang pupunta kayo sa konsepto ng “kalye,” sana lubusan na hindi yung parang maskara o costume lang na sinuot niyo ang kalye para sa exhibit. Nagimbita sana kayo ng mga taong lumaki talaga sa kalye dahil sobrang daming mga taong laki sa kalye that are more than what you represented.
"Dysfunctional" family raw pero inistereotype na may tatay na lulong sa droga, kuya na basagulero hahahahahaha ewan ko kung nagresearch ba kayo o inisip niyo lang na mag kalye na tema kasi makakapag "gang gang" kayo na suot sa klase 😂
Kung iisipin niyo na effective yung exhibit dahil nakalabas ito ng reaksyon sakin edi effective pero hindi dahil sa nagandahan ako o naipakita sakin yung kulturang kinalakihan ko kundi nagalit ako dahil ginawa itong katatawanan, stereotypical, at costume para lang sa "exhibit."
My culture is not your costume.