25/F here! My mom is 53/F naman
Good day! Yesterday, my mom received a call from Mabilis Cash, na may utang daw po siya. The name they provided was correct, buong name ng mother ko, and obviously tama din ang number dahil natawagan siya. Up until now continuous ung calls so we decided na i-filter ung spam calls sa phone niya.
As per the caller, may utang daw po siya. Medyo naguluhan pa kami, kasi ang sabi noong una, si *insert my mother's name* ay may utang daw sa kanila, then maya-maya, siya daw ang nilagay as reference. Then cinonfirm namin ulit sino may utang, tapos binanggit full name ng Mom ko. Nakipagsagutan yung nanay ko, and pinipilit nila na may utang and may facial verification (not sure, basta ung picture daw) naman daw to prove it. Nung nagbanggit mom ko ng 'NBI', binaba na ung tawag.
Buong family po namin is walang utang anywhere lalo na online, mapa-e-wallet, cc, or kahit na sa pag-ibig, etc. My Mom is not techy din. Chineck ko apps niya and wala naman OLA, di rin siya nagdownload previously. I asked her if may napindot ba siya or something, wala naman daw tho may mga napipindot siyang ads from shein na mga vouchers and stuff. Ang last na pinag-gamitan niya ng full name niya at contact number ay nung nag-sign up siya sa viber, sa facial recognition and id naman, gcash yung last niyang pinaggamitan saka ung e-gov something na app.
Possible po kaya na nanakaw ang identity ng mother ko? Or nagamit ang facial verification niya somewhere? Kasi sa family namin, walang pwedeng gumamit non. Yung father ko is di din techy, ung mga kapatid ko, bata pa naman.
Our concern here is baka magkarecord ng utang ung mother ko ng wala naman kaming alam
Edit: guys, base sa mga nababasa ko here, 0917 daw start nung number ng mga nang-spam call from mabilis cash and same nga sila ng sa mom ko 🥲