** Trigger warning: I described what my dog went through here and it might be emotionally triggering to some.
Hi, my dog just died this morning. Yesterday, bigla siyang naging lethargic. Hindi makatayo ng maayos at hindi makalakad. Hindi na rin siya kumain at nahihirapan uminom ng tubig.
Meron siyang red spots sa katawan, at nahihirapan siyang huminga, at parang may dugo na pala sa mga recent poop niya, kahapon ko lang napansin kasi hindi ako ang nagpapakain o nagpapalabas sa kanya.
Walang wala akong pera kahapon, as in kahit limang piso wala. Inaasahan ko na papasok ang sahod ko mamayang gabi. Sinabi ko sa dog ko, sorry, bukas dadalhin kita agad sa city vet, kasi sarado sila ng Sunday. Kaso ang bilis lumala ng condition niya. Kinagabihan sobrang lala na ng pag hinga niya, at umiiyak na siya. Pagka madaling araw yung iyak niya, pa-sigaw na. Sobrang sakit.
Tumawag ako sa mga vet, animal clinics/hospitals dito sa Pampanga. Lahat nagrerequire ng emergency fees. Pinakamababa is 2k. Pinakiusap ko if pwede pay later, pag pumasok ang sahod ko, walang pumayag.
Sobrang sakit, lalo na ang thoughts na wala akong nagawa para sa aso ko. Na parang walang compassion ang mga vets pag dating sa mga ganitong sitwasyon, pera pera parin talaga. Nakatulog ako sa pagod, stress, at pag iyak dahil sa naririnig kong alulong ng aso ko. Pag gising ko, patay na siya.
Just posting here, kasi hindi alam saan ako maglalabas ng nararamdaman ko now. Sobrang nalugmok ako sa thought na wala akong nagawa to ease yung pain ng aso ko.