Paid off some of my OLAs
30/F. Hi guys. Ilang buwan na rin akong tambay dito. Walang araw atang hindi ako sumilip sa sub na ito. May nga naging “friends” na rin ako dahil sa sub na ‘to.
Gusto ko lang i-share na nitong May, may nga natapos akong utang na hindi na ni-reloan. Nakakatuwa. Konti man, at least nabawasan. So far:
✅ MabiliCash Android
✅ Cashify (dating Cashalo ata)
✅ HappyCash
✅ Mr. Cash Android
✅ UnoBank loan
✅ FinnApp loan
✅ MayaBusiness loan
Tulad ng sabi ko, meron pa rin akong mga existing OLA (FinBro, TekCash, FT Lending, Mocasa, MoneyCat, Peso Loan, Tala Android, Bill Ease). Meron din akong pina-OD na dahil sobra sobra na rin nabayad kong interest kakatapal. Babayaran ko pa rin un paunti unti pero di na priority.
Malayo pa, pero malayo na. Unti-unti mababayaran din lahat. Isa-isa kong babawasan paunti-unti ubg mga OLA ko.
Sana lahat tayo eventually ay makaalis na rin sa gantong sitwasyon. Laban lang, wag mawawalan ng pag-asa.