u/Financial-Ad-7527

Nahihiya na ko

Hi po feeling ko onting onti nalang matatanggal na ko dito sa trabaho. First job ko toh as fresh grad, kaso yung field na pinasukan ko as my first job ay kind of disconnected sa college degree ko mismo. Job ko ngayon ay corporate and ung natapos ko is STEM. Sinasabi ko rin na “kind of” kasi yung company ko naman is STEM-related, bale gumagawa sila ng products for clients and napunta lang talaga ko sa office sector nila at rarely lang ako pumasok ng lab para kausapin R&D.

Nung interview, of course nistress ko na first job ko toh if ever and fresh grad ako. Still, na-hire naman, and since desperado na kong makakuha ng trabaho, kinuha ko na rin. Kakatapos lang ng 3rd week ko and gusto ko na mag quit. Ilang beses na ko napagsabihan na late ko natatapos tasks ko (pati CEO napagsabihan din ako, kase ung trabaho ko rin minsan kinakausap sya).

Ako lang ba or ang tanga naman ng set up na ganto: one day onboarding, may official training naman with other departments pero sa mismong dept ko wala, manual lang binigay ng processes nila eh madalas hindi naman pala updated yung laman. Resulta palagi ako nagtatanong ng mga dapat na simpleng bagay sa iba kong mga coworkers eh may sarili naman silang mga ginagawa. Sasagutin naman ako, pero kadalasan mali naman din nabibigay saking advice (i dont blame them kasi di naman nila alam full context ng tasks ko), so nagiging resulta rin nasasabihan ako ng manager ng team ko. Feeling ko ang tanga ko na talaga.

Nababangga rin ng training ang actual tasks na binigay sakin agad agad. So ano nangyayare? Minsan nakakalimutan ko iba kong backlogs. Ilang beses na rin ako nag take responsibility of course sa sarili kong messes. Ilang beses na rin ako nag-OT para lang matapos that day, pero meron at meron parin akong mga backlogs na nakakalimutan. Nag nnotes naman din ako ng mga kelangan ko gawin, minsan nga lang nakakalimutan talaga. Hiyang hiya na talaga ko gumawa pa ng katangahan. Ramdam mong nauubusan na rin sila ng pasensya sakin. Ewan ko, ganto ba talaga pag corporate?

Hinihintay ko nalang na matanggal ako kasi feeling ko onting onti nalang ganun na nga mangyayari.

reddit.com
u/Financial-Ad-7527 — 6 days ago