u/Federal_Virus_8861

Currently 13 weeks preggo and eto na nga. Kahapon nagtalo kami ni jowa thru vc (LDR kasi kami atm) kase ayoko pang kumilos para magready ng lunch. Ewan, nagtampo agad ako nung binanggit nyang ka na ba babangon?” kahit nagsabi naman akong sandali lang kase kakakain lang din namin ng 11 am, 12 palang naman. May anak ako sa pagkadalaga na kasama ko sa bahay. Narinig nya na sinaway ko yung anak ko na mamaya kumuha ng rice at kakain na kami. Nainis ako agad kase nga babangon naman ako, tumetyempo lang ako bumangon kase tinatamad ako sa init.

2nd baby ko na pero totoo palang di pare-pareho pagbubuntis. Mas sensitive ako dito sa second. Food aversions, nausea, hyper acidic, tapos sobrang pagod pakiramdam ko kahit na kakagising ko lang naman. Sobrang unmotivated ako kumilos lalo na sobrang init, wala naman kaming ac. Ayoko kumain ng luto ko kqse naamoy ko yung hilaw na meat bago iluto. Pinapagrab nya ko ng food para lang kumain ako minsan and syempre grateful naman ako. Ang ayoko lang is lagi nyang binabanggit na pag di nya ko inorder ng food ang pangit ng mood ko sa kanya. Sumakto lang talagang sobrang wala akong energy kahapon.

Sa inis ko bumangon na ko tapos pinaghainan anak ko. Di pa din don natapos kasi nga iyakin na ko dati pa, mas lalong lumala ngayon. Bakit daw ako naiinis, di naman nya ko pinilit. Kesyo dati pa naman daw ako tamad, lumala lang lalo nung nagbuntis ako. Well, totoo naman. Mas gusto ko magtrabaho kesa mag house chores pero kikilos pa din naman ako kase wala akong choice. Ang gusto ko lang maintindihan nya is I need to do it at my own pace. Ayoko minamanduhan.

Di ko na sya kinikibo kase kung ano-ano na sinasabi nya. Kesyo pano pa daw pag lumabas anak namin, isang anak ko di ko maasikaso. Sya din daw napapagod sa work pero kumikilos pa din sya. Parang kinocompare nya kaming dalawa. Wag ko daw idahilan na buntis ako. Hindi ko madepensahan yung sarili ko kase nakikita nya kong laging tulog. Ang hirap ipaliwanag na di ko kaya ibigay 100% ng sarili ko kase 24/7 akong nagpapalaki ng bata sa tiyan. Sinabi nya yon talaga bago mag-mothers’ day pa talaga naman 🙃

Hindi naman ako habang buhay na buntis. Bakit ang hirap ipaliwanag sa partner kung gaano kahirap magdala ng bata. Siguro applicable din talaga yung “Di mo malalaman, kung di mo mararanasan.” Ang gusto ko lang naman maintindihan nya ko. Ngayon di ko pa din sya kinakausap. Hindi ko din alam. Sa totoo lang, di naman ako natatakot kase kinaya ko nga nung una.

Gusto nya mag-allot ng 500k sa panganganak (Sa very private na hospital nya gusto kase) Nagbiro lang ako na akin nalang yung 250k at sa semi-private hospital na ko manganganak para may sukli pa yung 250k. kahit yun pala minasama nya. Hindi ko na alam kung makikipag-usap pa ko after neto. Nadala naman na din ako sa una kong ex. Ewan ko ba umanak pa ko ulit 😆 Kulit ko den kase argh. Anw. pasensya na po napahaba 🥲

reddit.com
u/Federal_Virus_8861 — 8 days ago