u/Far-Inflation-5214

Sobrang nakakagigil tong nangyayari kasi hindi na talaga siya about sa issue, bullying na siya. Isang student leader nag share lang ng post, tapos may isang side na nag react kasi feeling nila ginaya daw yung GPOA situation nila, so nagkaroon ng confrontation sa comments, nag sagutan and nag explainan both sides. Okay gets, may misunderstanding and napag usapan na nila, so dapat dun na natapos. Pero after nun, instead na tapusin na, nag start pa mag share ng posts and magparinig tungkol sa gawang ilong nung student leader. Hindi na siya about sa original issue, hindi na siya about sa GPOA, ina attack na yung physical appearance, so clearly bullying na to. Anong connection ng itsura sa problem diba, wala. So bakit hindi nalang sila nag focus sa actual situation kung saan nagsimula lahat. And oo hindi man binanggit yung name, pero sobrang timing and obvious kung sino yung pinapatamaan, alam naman ng lahat. Honestly halata rin na nai bring up lang yung GPOA issue para manira and to gain advantage, especially kung may election, parang ginagamit nalang siya to drag down the other group instead of actually resolving anything. Parang hindi kayang manalo ng fair kaya kailangan may hinihila pababa. Mas nakakahiya pa kasi student leaders kayo, kayo dapat yung marunong mag handle ng conflict and mag set ng example, pero ang nangyari pinalala niyo pa and naging personalan. Unprofessional na, bullying pa. If ganito kayo umasta, hindi kayo deserving maging student leaders. If simpleng issue hindi niyo ma handle properly, paano pa sa mas serious na responsibility. Hindi na to opinion, paninira na talaga. So tanong, ganito na ba talaga standard ng student leaders ngayon or tinotolerate nalang natin yung ganitong behavior.

reddit.com
u/Far-Inflation-5214 — 16 days ago