Fever & Flu while pregnant
33 weeks pregnant! Bigla sumama pakiramdam ko and super sakit ng tonsils ko & barado ilong. Huhu. Wala naman fever pero parang getting there. So sobrang anxious ako syempre dahil baka may mangyareng masama :( balak ko ngayon buong araw ipapahinga ko muna as in bed rest and hydrate! tapos bukas after school ng panganay ko e dederecho na ako sa OB. Hindi ko magawa now kasi magisa lang ako and wala magbabantay sa anak kong 3 yrs old. Di ko siya maakay sa clinic at sobrang sama din ng pakiramdam ko baka mapano pa kami dalawa. Bukas pa dadating ung helper. Hayyy. Hirap din ng LDR talaga. :(
Meron ba sainyo nagkalagnat and flu while buntis? Nagka flu din naman ako nung 2nd tri ko kasagsagan ng influenza, ayon nag home remedy lang ako ng ginger, honey and lemon. Tapos sa panganay ko nagka covid din ako nung 2nd tri. pero ngayon sobrang natatakot ako dahil malapit na manganak ngayon pa nagka ganto hay.