Mahal ko asawa ko pero pagod na umintindi sa bisyo na sugal
Mga mi, gusto ko ng ibang insights. Please!
Married, with 2 kids. Just gave birth to my second child months ago. Sobrang devastating. Naalala ko pa lang naiiyak na ako.
My husband and I have good paying careers. Pero last year bago ako manganak nalaman ko ang bisho niya - sugal. Naitalo niya ang savings para sa panganganak. Nagkautang utang sa tao, banks at online lendings. Looking back, hindi ko alam kung paano ko nakayanan yung stress noon.
Mahal ko siya at alam kong mahal niya rin ako. Masaya ang pamilya namin. Actually everyone thinks ang perfect ng takbo ng buhay namin. But, no.
Sobrang draining both emotionally and financially these past few months. Pagod na ako. Pero pilit ko pa rin iniintindi for the sake of my family.
Ngayon bumalik na siya uli sa work ( OFW ) at di nagtagal nahuli ko na naman siya na nag oonline sugal. Ang sakit mga mi. Hindi niya man lang kami kinonsider ng mga anak niya. We can live comfortably kung wala ang sugal. He has been a good provider ever since lalo na sa mga bata.
Nung una, pinatawad ko siya. I stayed strong kahit 8mos pregnant ako noon pero deep inside durig na durog at puro worries. Pangalawa, pinatawad ko pa rin kasi nbga malayo kami ayoko siya bigyan ng dahilan para mag worry na hindi kami okay at baka ikasama ng mental health niya. Ako pa lang yung napasama. Every night hirap ako makatulog.
Pangatlo, bumalik na naman siya sa bisyo. Trny nia pa itago at nagsinungaling pa uli. Nakakapagod din pala talaga mga mi. Halos wala na ako masabi sa kanya. Naiiyak pero mas manhid na.
Gusto ko nlang lumayo. Gusto ko tumakas.
Pero paano - nanay ako ng dalawang bata.
Idk if heightened pa ng postpartum ito. But ayoko na mga mi. Im thinking of ways paano ako kikilos pag uwi niya months from now. I don't even know if im okay to stay with him under one roof anymore. Ewan. Ang hirap magpanggap na okay.