Hello po. I need help or legal advice lang po regarding sa situation ng father ko na isang OFW. Gusto ko lang po malaman kung tama ba yung info na nakuha namin.
Nagkaroon po ng emergency medical situation ang father ko sa abroad. 4 years straight na po siyang nagtatrabaho sa iisang employer lang. Ang sabi po sa amin ng local agency niya rito sa Pilipinas, wala na silang "liability" o sagutin sa father ko dahil:
- Contract issue: Ang contract daw po nila sa father ko ay 2 years lang. Dahil lagpas 4 years na siya doon at hindi umuwi para mag-renew sa kanila, "direct hire" na raw po ang status niya sa employer sa abroad.
- Insurance: Sabi rin po ng agency, ang mandatory insurance daw rito sa Pinas ay for 2 years lang din, kaya nung nag-expire na raw yun, hindi na sila liable na mag-provide ng benefits (like yung ticket for visit ng family).
Ang tanong ko po:
• Totoo po ba na kapag hindi umuwi ang OFW para mag-renew ng contract sa agency (pero nandoon pa rin sa ii sang employer), nawawala na ang pananagutan ng agency sa kaniya?
• Wala na po ba talagang insurance coverage ang OFW kapag lumampas na ng 2 years kahit hindi pa siya tapos magtrabaho sa employer niya?
• Sino po ba dapat ang nag-aasikaso ng assistance sa ganitong case—yung agency pa rin po ba o dapat kami na lang ang direktang kumausap sa employer sa abroad?
Sana po may makasagot. Clueless po talaga kami at gusto lang po naming malaman kung may habol pa ba kami sa agency o dapat na kaming bumitaw sa kanila. Maraming salamat po.