u/Excellent_Potato_337

▲ 4 r/rant

ng hirap pala magmahal ng taong walang emotional intelligence. Yung tipong ikaw na yung nasasaktan pero ikaw pa rin yung kailangang mag-adjust, mag-explain, at umintindi. Kahit ilang beses mong sabihin kung anong nararamdaman mo, parang hindi siya tumatagos—parang wala lang. Nakakapagod magbuhat ng relasyon na dapat dalawa kayong nagtutulungan, pero ikaw lang yung emotionally present.

Nakaka-drain kasi paulit-ulit mong kine-carry yung bigat ng communication. Simple empathy lang sana, pero nagiging malaking issue. Instead na maramdaman mong safe ka mag-open up, nagdadalawang-isip ka na lang kasi baka ma-invalidate ka ulit. Hindi naman kailangan perpekto—konting awareness at effort lang sana para maintindihan ka.
Sa totoo lang, nakakaubos. Hindi lang energy, pati self-worth mo naapektuhan.

Darating ka sa point na mapapatanong ka na lang, “Ako ba yung mali?” kahit alam mo naman sa sarili mo na valid yung nararamdaman mo. Minsan, hindi sapat ang love kung kulang sa emotional maturity. Kasi ang relationship, hindi lang tungkol sa staying—it’s also about understanding, respect, at pagiging present sa isa’t isa.

reddit.com
u/Excellent_Potato_337 — 12 days ago