Ukay Tips for First Timer
Hi! Gustong-gusto ko na mag-ukay pero nahihiya ako dahil hindi ko alam gagawin 😭
I saw a video na expert daw kapag mino-move mo sa side yung mga damit tapos mabilis mong tinitignan lahat ng damit sa rack. Bakit at paano niyo po nagagawa yon? Did you simply develop an "eye" for good finds overtime?
Puwede bang magtagal sa ukayan? Na-try ko na kasi maghanap sa ukay ng formal na damit kaya paikot-ikot lang ako sa pants at blouse na racks. Mukha yata akong suspicious dahil tinitignan ako noong staff, umalis na lang ako hshshs
Part ba ng "ukay culture" ang tumawad? Never ako nakaabot sa step na 'to kaya curious lang po
Additionally, lahat ba ng ukayan hindi naglalagay ng price tag? Yung dalawang napuntahan ko (IIRC, same owner sila), need mo itanong sa mga nakabantay kung magkano 'yung item. If ever, normal lang kaya na tanong ako nang tanong ng presyo hshshs
Karamihan sa wardrobe ko ay nabili ng nanay ko or pamigay ng kamag-anak. I don't know my style yet kaya I'm clueless at hindi po intuitive ang ukay para sa akin. Sorry po 🙏 But I'm willing to learn~
Thank you so much po sa sasagot! Other tips are greatly appreciated :))