Hi, just asking for your opinion kung dapat ba akong makialam sa employer ng kapatid ko at asawa nya.
For context, ang employer tinutukoy ay matagal nang pinagsisilbihan ng kapatid ko at ng asawa nya, parehong silang sales clerk sa isa sa Grocery/wholesale store sa Dasma Cavite. Lahat ng mga nagtatrabaho ay kung hindi man kamag-anak ng may-ari ay kaibigan at halos magkakadugo na kung magturingan. Mabait naman ang may ari, kapag may mahalagang araw, mapa-birthday man o anumang okasyon, hindi nakakalimutan mga tauhan nila. Di rin madamot magregalo lalo na sa matagal na sa kanila. Naalala ko kwento ng kapatid ko, niregaluhan daw sila ng lupa sa tabing Baranggay nila.
Okay naman sana, ang problma lahat ng tauhan sa Grocery walang mandatory Govt kahit Philhealth. Sobrang nakakaawa yung kalagayan ng mga tauhan na pag nagkasakit at di pumasok, no pay din sila, not to mention na lampas 8 hours trabaho nila kada araw dahil nga wholesale at ang parokyano nila ay madaling araw namimili. 1 am pasok sa trabaho at 6 pm naman ang uwi, di uso shifting sched. Given sa trabaho nila na hindi lang maglilista at maggagayak ng mga orders, sila rin yung nakatoka sa magrereceive at magbubuhat ng mga delivery. All around kung baga.
Napapaisip lang ako na isumbong sa DOLE dahil so sobrang di makatao na oras ng trabaho plus wala pang insurance mga tao if ever na may mangyari, ultimo mga kasambahay nga ngayon required na may Govt benefits. TIA!