u/EntertainerOk9606

Ayoko ipahawak ang baby ko

Ayokong ipahawak ang baby ko especially sa mga in laws ko, bakit? Unang una hindi ni rerespeto ang boundaries namin ng baby ko. Hindi nila ni rerespeto mga rules ko as a mom sa 2 months old baby ko. For example yung FIL ko nag yoyosi bubuhatin si baby kahit kakatapos lang mag yosi ilang beses na namin ni remind ng husband ko na kapag bubuhatin si baby at nag yosi sya need nya maligo at mag palit ng damit pero madalas padin di sinusunod kaya madalas ang ginagawa ko nagkukulong nalang sa kwarto kesa magka sakit si baby. Pangalawa SIL ko ito ayokong ayoko talaga ipahawak sakanya sa tuwing nasa amin sya kahit tulog si baby pilit nyang gigisingin at kung gising naman ang baby ko hindi nya talaga titigilan para di makatulog si baby. Isa pa sa kinasama ng loob ko at dala dala ko hanggang ngayon ang sinabi nya sa asawa ko, sinumbat nya ang pagsama samin sa hospital noong nanganak ako na hindi ko naman hiniling na sya ang mag bantay samin ng anak ko sila ang may gusto na sya ang mag bantay pinag bawalan nila nanay ko mag bantay samin ng baby ko dahil daw matanda na na appreciate ko that time pero ngayon isusumbat nya yun dahil nag away sila ng asawa ko. Kaya sa tuwing andyan sila pilit ko kinukuha anak ko gumagawa ako ng way para makuha si baby sakanila. Masama ba akong tao dahil dito?

reddit.com
u/EntertainerOk9606 — 9 hours ago