u/Emotional-Moose792

Malapit na naman ang Mother's day ang dami ko na nakikita na contents na naman pertaining to Mother's day which is okay naman. Yung iba heartwarming talaga kaso meron bago, yung tungkol sa normal and cs deliveries na may pinapakita pang needles. As a mom na 6mos post-partum sa twins and hindi madali yung pinagdaanan sa pagbubuntis hanggang sa delivery. Until now pag naaalala ko yung process pre-op and post-op CS (lalo na sa public hospital ako nanganak} -- grabe yung trauma na inabot ko. Kaya pag nakikita ko yung contents sa needles na pinapakita for anesthesia/epidural, nangingig ako mga, mi. 😭😭 Nagpa-panic attack ako. Yung tahi ko parang may biglang kumikibot (psychosomatic na ata) 😭 Hindi na rin ako nabbrowse masyado sa FB or IG reels dati dito kasi baka mapadaan na naman sa fyp ko. Pero grabe, naaalala ko pa rin like naglilinger sa isip ko. Di ko alam kung OA lang or hormonal lang.

reddit.com
u/Emotional-Moose792 — 13 days ago