Recently kasi, nag-bleach ako ng hair ko this week (Monday) gamit yung brand na Herani (no hate to the brand). Level 7 yung bleach and recommended siyang gamitin for 60 minutes, pero 30 minutes ko lang siya ginamit. At first okay naman siya for me, pero napansin ng mom ko na nawala yung shine ng hair ko.
So dinala niya ako sa salon kahapon (Thursday), then sabi ng hairstylist ko naging mas maputi yung scalp ko and may nakita siyang malalaking flake. Tapos umabot ako ng 4 hours sa salon — cinut nila hair ko into a bob, nagpa-cellophane treatment ako kasi iba-iba yung kulay (amber, pink, orange), and nagpa-keratin treatment din ako.
Pag uwi ko, nung humiga ako, napansin ko na parang tight yung scalp ko and ngayon super natatakot ako na baka na-damage ko na siya completely. Did I actually kill my scalp? And if yes, may way pa ba to fix it?