hi. i graduated last July 2025, passed the boards, and got a job this year. pero bakit parang hindi gumagaan?
pangatlo ako sa limang magkakapatid. pangalawang nakatapos ng college, pero nag-iisang UP grad sa amin. siguro doon nanggaling yung bigat, parang may automatic expectation na dahil UP ka, okay na ang buhay mo. hindi lang ng ibang tao, pati na rin sa sarili ko. akala ko once makagrad at makapasa, tuloy-tuloy na yung pag-angat. although i am aware naman how hard life can be, i was just hoping things can get better.
well, ilang buwan na akong nagtatrabaho at multiple jobs pa nga, pero parang wala namang nagbabago. minsan pakiramdam ko mas lalo pang bumibigat. hindi lang dahil sa sitwasyon ng pamilya, kundi pati sa pressure na kailangan may maipakita ka agad. ang hirap umiyak nang tahimik kasi pakiramdam mo dapat kinakaya mo, kase nga naka-graduate ka na nga sa UP eh, so ano ba 'yang hirap na dinadamdam mo.
tapos everytime magbubukas ako ng social media, may makikita akong posts ng mga kapwa UP grads (batchmates & alums), travel, stable careers, may sariling place, may ipon. hindi ko naman sinasabi na perfect buhay nila, pero kita mo yung agwat. habang sila parang nasa steady na o malapit na magkaroon ng stable life, ako parang nagsisimula pa rin sa wala, or worse, paurong pa.
pare-pareho lang naman kaming nagsuot ng sablay. pero bakit parang sa kanila magaan, tapos sa akin ang bigat-bigat dalhin?
hindi ko alam kung inggit ba ‘to, frustration, o pagod lang. siguro halo-halo na. gusto ko lang ilabas kasi ang hirap kimkimin.
kung may nakakaramdam din nito, kumusta kayo?