u/Educational-Serve867

What should I do?

What should I do?

😡 LONG POST AHEAD

Nakatira kami ng partner ko sa Daddy nya since 2024. Daddy, Lolo, Ako at anak ko 3y/o ang magkakasama. 

Dumating ang January 2026 lumipat sa amin yung tita & tito ng partner ko sa amin, stroke na yung tito. Walang problema sakin. Di naman kami nagkikibuan. Nagbirthday ang Lolo nagkaron ng parang reunion lahat ng apo at anak ni Lolo dumating. May naiwan ulit sa amin na isang Tita ni partner may kasamang bata 3y/o din.

Kay may Tita 1 at Tita 2. Yung apo ni tita 2 ay sobrang salbahe susuntukin nya, itutulak at kakagatin ang anak ko kapag hindi binigay ng laruan na hawak ng anak ko. Ang anak ko naman only child hindi sanay may kahati. Kaya kapag inagaw ang laruan nya iiyak sya. Hindi sya iyakin nung di pa dumadating yung bata na yun. Parang nahawa sya. Kasi nakikita nya dun sa bata na yun kapag umiyak yun ibibigay ang gusto. At si Tita 2 parang naiinis kapag binibili namin ng laruan anak ko dahil parang gusto nya apo na ibili rin namin.

One morning narinig ko si Tita 1 & Tita 2 nag uusap. Umiiyak daw si Tita 1 kasi nakikita na daw ng partner ko na inaakay yung Tito na stroke pero di man lang mag offer ng tulong. 2nd incident gumapang si Tito na stroke palabas sakto nakaupo yung partner ko na TULOG pa kasi ginising ko sya dahil may pasok pero may ugali syang mauupo sya matutulog uli kahit sa cctv tinignan ko nakapikit sya. Ang kwento nitong Tita 2 nakita na daw ng partner ko pero hindi itinayo si Tito kaya masamang-masama daw loob ni Tita 1. Pinalagpas ko kahit di nila narinig side ni Partner.

Today, this morning. Si Tita 2 tinanong partner ko nung ipagsasaing ba sya ang sagot ng partner ko HINDI. Kasi tinanong ko na sya kung ipagsasaing sya hndi na daw dahil nga kanin lamig ang babaunin nya. Ngayon si Lolo pinagsaing si Tita 2 kaso ang sinaing nya kulang edi napagalitan sya ni Lolo. Ang ginawa ni Tita 2 pinilit partner ko na baunin nalang yung bagong saing at isasangag nalang yung bahaw. Lumabas si Tita 1 hinanap yung sinaing sabi ni Tita 2 binaon ni *partner ko* nainis si Tita 1 tinuruan nya si Tita 2 ng sasabhin kay Lolo sabi nya "Sabhin mo kay tatay tinanong mo si *** kung ipagsasaing sbi hindi kaya d ka na nagsaing" pagtapos sabi nya kay Tita 2 "Bakit nya kukunin yun di naman para saknya yun" pero hindi kumibo si Tita 2. Syempre ako bilang partner magagalit ako kasi sinungaling sila. 

Ngayon sabi ko uuwi kami ng anak ko sa mama ko. Dahil mag aaway kami ng tita nya kapag nakarinig ako ulit ng ganon. Hindi ko ibibigay yung pambayad ng wifi para may pang gastos kami. Sabi ni Partner ibigay ko na daw kasi hirap na hirap na daw Daddy nya ang sagot ko sknya "Diba sabi ng Daddy mo okay lang mahirapan sya basta sama-sama?" Sinagot na nya ako ng "Bakit yung Daddy ko ba nung tayo nahihirapan nagdalawang isip ba" hindi na ako kumibo. Walo kami sa bahay ang may trabaho lang sila ni Daddy. Pakiramdam ko kasi nakakuha ng kalabaw na magtatrabaho para sa knila yung mga kasama namin dito. Ang daming anak pero lahat si Daddy parin. Kasi lagi sinasabi ng Daddy dibale mahirapan sya basta sama-sama. Pinagresign nya ako last year dahil may iniinda akong sakit sa matres. Sabi ko sknya hindi ko ibibigay bayad sa wifi at kuryente dahil marami kaming gumagamit pero kami lang nagbabayad? Pero sa simpleng sinaing parang nagnakaw yung partner ko.  Pero pinaramdam ng partner ko na mali ako for staying on my ground. Parang mali na magalit ako para saknya. Para mali na masaktan ako para sknya. Any advice on what should I do? 

reddit.com
u/Educational-Serve867 — 5 days ago