Napapadaan ako dito sa OLA harassment na group. So what i did is nag try ako ng OLA na E-eperash. True and true enough medyo matindi nga harassment nila. Today yung due date then ganito agad yung mga text messages nila. Anyway haha. Babayaran ko naman yan ngayon. Gusto ko lang matry kung totoo nga yung harassment. Anyway, planning to pass this sa mga kilala na gov't agencies. Antayin ko pa konti to see kung ano pang gagawin nila. Anybody dealing with this App. Kindly post here.
Ito mga nareceive ko.
"Hindi po ba talaga kayang maging RESPONSABLE ? mas gusto niyo papo ba talaga ang patuloy kang nakaka-abala at perwisyo ng iyong references? Kailan mo kami balak bayaran? Kapag natawagan na ang REFERENCES? na maaaring isa sa iyong company / employer, katrabaho, kakilala, kaibigan , kamaga anak,o maaring isa sa iyong facebook friends? saan ho kami lulugar? kung hindi naman po kayo marunong magabyad diba? at ,makipag cooperate diba?"
"Hanggang ngayon wala pa kaming natatanggap na payment galing sayo,mahiya naman po sana kayo dahil yung mga contact reference mo dito na ginamit ay maaabala pa.Hindi po namin kayo pinilit na mangutang dito samin.Kaya dapat matuto kang sumunod sa oras na idiniklara sa pag babayad kung ayaw mo po malubog ka sa utang dahil napakalaki ng penalty possible ( 10% ) hindi kaba nanghihinayang? Once na hindi namin matanggap ang payment mo ngayon ay asahan mo ang pag kontak sa iyong mga given reference dito maaari din ma blocklist sa iba pang Lending Apps at maapektuhan ang iyong iba pang loan gaya ng ( SSS, PAG-IBIG at iba pa ). Paki bigyan ito ng agarang aksyon dahil hindi kami nag kulang sa pag papaalala sayo. SALAMAT "