bakit invalidating sa mga biktima na sabihing magformalize ng complaint
Simple, hindi ikaw ang nakaranas ng pang-aabuso. Kung hindi ka hinihingian ng advice kung anong pwedeng gawin sa experience nya, wag kang magbibigay ng advice.
Default yon na makinig ka. At kung di mo man maunawaan o conflicted ka dahil kilala mo ang perpetrator, wag ka nalang mag-salita. Mahirap rin ang malagay sa position na magtake in ng mabigat na kwento na 'to. But once you've put your shoes and understand where the victims are coming from, whether or not they wish to take action, pinagkatiwalaan ka ng biktima.
May nabasa rin ako kanina na sa dinami-dami ng SA/SH incidents sa industriya ay seseryosohin talaga ito ng mga tao—anonymous man o hindi. Marami na tayong precedent at hindi lang nangyayari sa loob ng teatro kaya dapat lang talaga na seryosohin natin yan. Hindi na nga nagagawan ng paraan sa loob ng industriya, magiging passive pa ang mga tao.
Hindi lang siya tsismis. Hindi rin lang bastang anonymous confession sa kung saan. The constant living in fear na baka hindi sila paniwalaan kaya nila pinipili na magsalita nang walang mukha. Even if meron man, will we ever validate these experiences? Kasi under anonymity palang nga, parang nakapatay na sila kung magreact kayo. Anyway, dahil enabler naman ang industriya, for sure parang galos lang yan sainyo at babalik kayo ulit sa dati nang parang walang nangyari. Magp-prod, manonood ang mga tao. Ganon lang.
Sino ba naman nga ang mga biktima na 'yan para sainyo? Akala ko ba ang teatro natin ay makapangyarihan at may ngipin? Kaso mukhang totoo nga na unti-unti nang nawawala.