how to deal with MIL?
recently sumabog ako sa MIL ko.
Background, binibisita nila si baby atleast once a week sometimes wala. 2 weeks ago nag visit sila late night dahil ininvite namin sila for a dinner. Natutulog na si baby nung dumating sila. pumasok ako sa kwarto para padedehin, sumunod si MIL & SIL. Tapos na si baby dumede then nakahiga na, mejo mababaw tulog nya neto. Pero makakatulog din eventually pag nahanap nya yung pwesto nya, so si baby ikot ikot para makuha yung spot nya. Humarap sa side ni MIL, aba, kinausap at kinulit agad. Nagising si baby at nilaro laro na nila. So ako? Knowing na pagod ako mag hapon, nainis at nag walk out kasi imbes na nag papahinga na ako at yung mom ko na katulong ko mag alaga kay baby, eh aantayin pa namin antukin ulit si baby at ihele. Also, bakit mo guguluhin yung tulog ng baby? Pwede ka naman bumisita ng mas maaga para sana maabutan mo gising yung baby. My baby is super kulet and clingy ayaw mag palapag kaya nakakapagod din tlaga. Nagdabog ako tas ayun minasama nya, next gathering, umiiwas na sakin. At di na bumibisita sa apo. Sya pa ang nagalit sa ginawa nya. Sya pa ang nahurt dahil napahiya daw sya. Tapos gusto heramin bigla si baby kasi nga she’s going to abroad. Natututo palang si baby mag feed sa bottle since breastfeed nga since birth till 8 months so di pa sanay mag bottle. At Di nya kayang pakalmahin pag nag muryot. So eto na nga, pinaheram ko padin si baby para di ako sabihan ng madamot at iwas issue. Binilinan ko si SIL to be in charge with baby’s milk. Mag hapon daw nila heheramin soli nalang daw sa gabi. Hahaha aba nung bandang 6pm tumatawag na di daw mapatahan si baby pinapasundo na. Buti nalang at malapit na sila sa bahay. Sinabihan ko ano gagawin pag ganyan, so tumigil naman si baby. Then pag kadating sa bahay, yung mga dede halos walang nabawas. Almost 7 hrs walang dinede si baby dahil ayaw daw sa bottle. Grabe stress ko. Pinabaunan ko ng food kumain sya ng lunch onti lang din kinain at di naubos pero still, main source padin ng nutrition and hydration @ 8months is galing sa milk. I have no words. Naawa ako kay baby. Gusto ulit heramin sa susunod. Pero parang di ko na kaya. Sila nag eenjoy while si baby nag susuffer. Basta lang maheram nila at makasama.
how do you handle this kind of MIL? Natatakot ako lagi pag anjan sya eh hahahahahaha