u/Dry_Reality4335

▲ 2 r/RentPH

Hello po, magandang araw. Nagrerent po ako ng unit sa Shore Residences for 6 months na. May mga pagkakataon po na nasisita ako ng guard at hindi ako pinapapasok sa unit. Noong nag-move in po ako, wala pong naibigay na move-in documents, at wala rin po ako sa listahan ng tenants sa admin.

Sa tuwing nagfo-follow up po ako tungkol sa Tenant Information Sheet sa agent, lagi pong sinasabi sa akin na naipasa na raw ito sa admin. Kapag pinapacheck ko naman po sa attendant, sinasabihan lang po ako na mag-follow up ulit.

Ano po kaya ang maaari kong gawin tungkol dito? Maraming salamat po.

reddit.com
u/Dry_Reality4335 — 17 days ago