Hanggang ngayon, marami pa ring hindi maka-move on sa JoGe 😭😭😭😭
Sobrang lakas kasi talaga ng chemistry nina Jose Manalo at Eugene Domingo noong Celebrity Bluff days. Yung banatan nila sobrang effortless, natural, at hindi pilit kaya ang dali nilang panoorin. Kahit simpleng asaran lang, sobrang benta agad.
Kaya ang daming nanghinayang nung kumalat yung usap-usapan na nagkatampuhan daw behind the scenes at iyon ang naging dahilan kung bakit unti-unting nawala at nabuwag ang JoGe tandem. Totoo man o hindi lahat ng kwento, sayang pa rin kasi bihira makahanap ng comedic chemistry na ganun ka-organic sa TV.
Until now, isa pa rin sila sa mga love team na gusto sanang makita ulit magkasama 🥹💔