u/Different_Help_4755

Hello, need advice po sana…

For context:
May live in partner ako for 5 yrs, currently nakastay kami sa isang studio unit. So happens na ako lang pwde tumulong sa family ko and ako lang maasahan nila. Currently nasa province kapatid ko and parents. Since graduate na kapatid ko, balak nya magwork here sa Manila since nagtry sya sa province super baba ng offer and walang benefits..

May mga ongoing interviews na kapatid ko sa Manila and anytime luluwas na sya here.. hindi pwede maiwan parents ko sa province since nastroke na father ko, hindi kaya ng mother ko na siya lang and hindi marunong magbudget mother ko kaya napagusapan namin na dto muna mgstay sa unit namin for the meantime.. like 3 months then if ever kkuha na kami ng unit na may 2 bedroom..

Pero ung partner ko, ayaw nya kasi naiilang daw siya na may ibang tao. Tinanong nya ako ano daw ba plano ko samin. Sabi ko gets ko siya pero eto lang hnihingi ko, for the meantime lang naman since wala iba pwde tumulong sa family ko kundi ako. Alangan iwan ko sila sa ere..

Tinatanong nya ako na hanggang kelan ko daw ba sasaluhin pamilya ko. Hanggang kelan na sila priority ko.. hindi naman forever pero mahrap sagutin as breadwinner.. hndi ko pa sila kaya iwan sa ere hanggat di pa kaya lalo na magwork pa lang kapatid ko. Sabi ko if ok na financially stable na kapatid ko, sya na sasalo. Pero syempre magbbigay pa dib ako sa parents ko.

Pero prang pnapipili nya ko if sya or pamilya ko. Tinanong ko sya kung sya ano plano nya sakin? Ksi mag 6 yrs na kami wala pa rin singsing, puro dota lang atupag nya. Sabi lang nya na kung ganito daw e talagang wala siyang balak sakin pakasalan ako.

Sagot ko. Maghiwalay na kami. Pnipili ko pamilya ko..

Mali ba ako?

reddit.com
u/Different_Help_4755 — 10 days ago