u/DeliciousCandle6896

PLDT ano na 😭 Since Saturday pa down internet namin. Nakailang follow up na ako tapos nung Sunday may pumunta pero may issue daw sa box. After nun? Wala na. As in wala na ulit update.

I keep telling them na pa-prioritize kasi work from home kami. Hindi naman pwedeng data lang gamitin kasi sobrang bagal ng signal dito, lahat ng network ganun. Parang wala silang pake kahit sabihin mong urgent.

Ilang araw na ganito tapos need pa namin maghintay?? Wala ba silang enough technicians or sobrang dami lang talagang issues nila? Nakaka-frustrate lang kasi paulit-ulit ka magfo-follow up pero wala namang nangyayari. Same script lang lagi.

Saan ba pwede i-escalate ito para maayos agad? May naka-experience na ba nito na napabilis yung action after escalation?

PLDT, ayusin niyo naman serbisyo niyo 😩

reddit.com
u/DeliciousCandle6896 — 10 days ago