All I can say sa internship experience ko sa company na ito ay panget, napaka-panget!
For context, etong ITC CORP., isa syang construction company tapos sabi nila starting company pa lang sila pero matagal na sila sa industry. I don't know kung kilala yung company nila. Di ko na sasabihin anong department ako pero the hell! Halos lahat ng interns nila same ang expi!!! Walang supervisor na maggaguide sayo, mas mabigat pa trabaho mo kesa sa regular employee (like yung supervisor mo patulog-tulog lang or cellphone cellphone lang pero ikaw todo trabaho ka, take note wala pang allowance yan hah!), walang appreciation sa mga interns, kahit di mo scope yung work ipapatrabaho sayo, ikaw sisisihin pag may mali kahit kasalanan naman nila, binabackstab nila mga interns after doing all the work, and the lists go on!!!! Tapos after internship mo, papahirapan ka pa nila para lang makakuha ng COC, apakagaleng. Wala kayong makikitang bad reviews sa kanila sa linkedin tsaka sa website nila kasi mandatory na magleft ka ng good reviews para makuha COC mo. 😭😭 Sobrang emotionally and physically draining sila from the may-ari ng company down to the supervisors and staff. Lahat problematic talaga. 😭 Di ko alam paano ko natiis sa kanila yung 400 hrs
So... Kung makita nyo sa linkedin yung internship opening nila, pls pls pls, save yourself from internship trauma kasi di talaga sila nakakatuwa. Gagawin lang kayong alila ng mga yan, tas wala pa kayong allowance. 🥹
PS. Kaya po di ako umalis at tiniis na lang ang nangyayari ay dahil naghahabol na ako matapos yung internship hrs ko para di ako malate sa deadline 🥹