u/Cute_Cat130726

Sa amin lang ba ang mga IMPATIENT parcel delivery riders na kakasigaw lang ng “tao po! parcel!” literally 2 seconds ago tas sisigaw na naman at sisigaw. I mean, gets ko naman na marami pa kayong deliveries within the day na kailangan ninyo matapos pero can’t you all just wait atleast man lang 1 minute para lumabas yung tao sa loob ng bahay?

Maraming instances na kapag may dumadating na shopee/lazada/tiktok riders, laging nagmamadali at yung iba sobrang aggressive pa magtawag. Teka lang teh ha?! Nasa loob pa ng bahay yung tao at mostly may ginagawa like work and household chores. Hindi naman agad-agad makakalabas ng bahay o kaya tumayo sa upuan para makalabas.

And if laban niyo is “baka walang tao”, jusko kahit sumigaw ka na ng “sandali”, talagang may follow up pa ulit na “PARCEEEEL!” like wtf?! Hindi ba kayo makapaghintay? Hindi ba courtesy na maghintay atleast a minute bago kayo magsisigaw ulit? It’s so annoying and syempre nakakataranta rin as someone na maghahanap pa ng pambayad or tatakbo pa palabas ng bahay.

Nakakawala ng pasensya eh hahahaha there are many obvious reasons na may tao naman sa loob ng bahay kaya please be patient waiting sa labas atleast 2-3 minutes man lang bago kayo magsisigaw ulit.

reddit.com
u/Cute_Cat130726 — 15 days ago