As someone na gusto maging isang aktor I looked for endless ways to improve my craft. Noong nagtanong ako sa mga tao saan ang okay para mag take ng acting classes, this one came highly recommended. I was excited kasi I wanted to be in a community with people who were passionate about the same thing I was passionate about. Noong nakwento ko to some people who are veterans in the industry na kukuha ako ng classes sa school na to na warn ako to be careful and not share anything personal. Noong narinig ko ito I just thought they were looking out for me in general kasi I will be in a class with strangers hindi naman ako dapat mag share ng anything personal pero I wish nakinig ako when they told me to be careful.
Noong simula normal class lang siya pero slowly nakita ko yung mga shift pag off the job na yung main teacher (MT) at yung mga staff(minions) niya. Madalas after class kumakain sa labas si MT and minions niya. Noong una hindi ako sumasama kasi late na natatapos yung class eh maaga pa yung pasok ko sa trabaho the next day kaso nabalitaan ko na pinaguusapan nila yung mga student dun. So isang gabi sumama ako kasi gusto ko din malaman kung ano sinasabi nila. Noong pumunta ako dun sa dinner nagulat ako kasi iniisulto nila yung mga studyante na wala dun. Hindi lang sa work nila sa class kundi mga personal attack din. Ang dali isipin ngayon na mali yun pero noong time na yun bilib pa ako kay MT at naniwala ako na mahusay siya kaya naniwala din ako sa mga insulto niya sa mga kaklase ko. Dahil dito medyo nagkaroon ako ng distance with my classmates. Ayoko kasi ma associate sa mga taong hindi gusto ni MT. Eventually napagusapan din naming ng mga kaklase ko itong mga insults na naririnig namin tungkol sa isa’t isa and na realize namin na kung wala ka sa room paguusapan ka talaga. Naging resigned kami sa fact na ito ang nag decide kami na mag focus nalang sa ano pwede namin matutunan.
Pero hindi namin magawa yun dahil slowly nag eescalate na din yung mga sinasabi niya.
Ito yung ilan sa mga narinig ko or ng mga kaklase ko na sinabi ni MT about students:
“was she dropped on her head as a baby” - tungkol sa isang student na feeling niya hindi nakakaintindi
sinabi niya na may affair yung isa sa mga students niya.
“bobo siya” - tungkol sa student na may tinanong sa kanya sa class
“meron siyang mommy issues” - after magkwento noong student sa kanya tungkol sa personal life niya
“____ does not have the intelligence to understand the technique”
“Wala na ba silang ibang ma award?” - when a student (or even a team member) receives a nomination or a win
“Gusto ko siya sapakin” - about several students
“si ___ tanga nakikita ko bakit siya inaabuse.” - after magkwento noong student sa kanya tungkol sa personal life niya
“depressive narcissistic siya” - about a student who had a panic attack during class
Spoke about a student’s financial situation, that they are insecure about not being able to provide for their family "naiinsecure siguro siya kaya ganyan siya umaarte"
madami pang iba pero wala akong consent mula sa mga nakarinig so ito lang ma share ko for now.
Noong natapos na yung batch ko and I was able to have time away from all this dun ako nagka clarity sa lahat ng na experience ko. Ang hirap talaga ma identify ng abuse when it’s psychological. Ang galing niya mang manipulate. Sobrang pinaisip niya sakin, sa amin ng mga kaklase ko na we were part of this inner circle. Pero ang importante lang sa kanya ay yung sarili niya. So habang iniisulto niya kami behind each others’ backs to make us dislike or even hate each other, yung sarili niya inaangat niya.
May mga times na tinatanong ako ng mga tao kung nandun padin ako sa school na yun. Tuwing sinasabi ko na hindi at yung dahilan kung bakit hindi madami sa response ng mga tao ay “Ganyan parin pala siya” “Di na siya nagbago” so matagal niya na palang reputation ito hindi lang siya na ca-call out.
At balita ko iniwan na siya ng ilan sa mga minion niya.