So ngayon ulit ako bumalik sa programming and halos 3 years po ako nagstop due to sa current work ko (civil engineer). And ngayon gusto ko ulit bumalik gumawa ng webpage at gumawa ng database.
May ginagawa kasi akong project using flask webapp and rush na kasi at need ko gamitin sa office namin para mapabilis ang gawin, parang real world problem lang and work smarter sabi nga nila. Buti nalang nandiyan si Copilot, grabe ang bilis na gumawa ng webpage lalo na sa front end. Di na need mag isip kung paano mag center ng div, position ng elements o magdesign. Nung binabasa ko yung code medyo mahirap lang intindihin, dapat talaga focus sa pagbabasa sa sinulat ni AI na code.
Need ko lang po ng advice if ok lng magshift career into tech with this starting skills and medyo dependent sa AI, I want to become a Data Engineer. Sa Civil Engineering naman madaming math, statistics, need din logic and diskarte. My main language is Python and SQL.