Falsely accused of wrong doing!
Hi, gusto ko sana makahingi ng advice kung anu yung pwde kong gawin about sa situation ko. Context im a sales agent and i was falsely accused of doing fraud by the company. And right now im under suspension. So no work, no pay ako ngayon. Pero yung binibintang nila sakin is hindi totoo. Kasi yung email na sinasabi nila na associated daw sakin is hindi sakin. Email yung ng client ko na nandito sa pinas. Given nasa pinas si client yung ip address sya is nasa pinas talaga sya. Akala tuloy nila sakin yung email. Ang nakakainis lang dito is hindi nila inutilize yung information para ma confirm kung sakin talaga yun. Yung pag uusap namin ng client ay recorded at meron din yun transcript. Searchable yung information ni client sa system namin pero hindi nila ginawa. Nag assume agad sila na sakin yun. Anyways i dont want to lose my cool right now while writing this.
Gusto ko sana kung anu ba yung pwde kong gawin para managot sila kapag makabalik nako sa office. Im planning sana na kausapin yung gumawa ng random investigation kung bakit sya humantong sa conclusion na gumawa raw ako ng fraud without checking all the information. Gusto ko sana sila magbayad ng mga araw na wala akong trabaho at yung mga araw din na pwde sana ako makabenta at kumita ng commission. Meron din nagsabi sakin na pabayarin ko din sila kasi na sira raw yung image ko sa office kasi after ng meeting ko with HR is pinauwi agad ako. So, madaming nagulat sa nangayari at nag assumed at nagjudge sakin. Na stress din ako kasi hindi ko inakala na mangyayari to sakin. They owe an apology to clear my name. Gusto ko sana magdemand ng public apology nila via email or with video. At yung mga araw na pwde sana ako kumita gusto ko sila magbayad lahat lahat.