u/ConcentratePure7592

Sa babaeng sinaktan ako

Alala ko date sinasabihan mo ako ng mga bagay na para bang hindi kita pinaglaban at hindi ako nagbuhos sa ating dalawa, pinaglaban kita, alam mong ikaw yung problema pero pinili pa din kita. Kahit sinasaktan mo na ako, inintindi kita kahit sobrang grabe na ng mga bagay na ginawa mo saken. Pinaglaban kita, pinaglaban kita. Sabe mo magbabago ka, ngunit hindi, inantay kita, nawawala na sarili ko pero ok lang dahil mahal kita, minahal kita. At dahil sinaktan mo ako ng ilang beses, nasaktan na din kita. Ang gusto ko lang naman ay makasama ka habang buhay, pero yung mga sakit at mga problema na dala dala mo na wala naman ako kinalaman, dinamay mo ako at pinasa mo sa akin. Pwede ba kung papasok ka sa relasyon, magheal ka muna? Magpagaling ka muna sa kung ano man sumira sayo noon, para hindi ka na makasakit ulit.

Ayun lang naman, magingat ka palagi, kung ano man ginagawa mo ngayon para mapaganda buhay mo, suporta ako sayo. Pero sana di na kita makilala uli.

reddit.com
u/ConcentratePure7592 — 4 days ago