Hi! This keeps replaying in my mind. I'm curious about your thoughts when it comes to this kind of dilemma. When it comes to leadership, I know most of us knew about "passing the baton" and the fulfillment it gives kapag may naimpluwensyahan ka in a good way, naging isa ka sa reasons ng paggrow ng isang tao.
A colleague of mine shared to me earlier about this: Ayaw niyang magmentor or magreplica ng katulad niya dahil baka raw mareplace lang siya sa work. Nagvent out siya sa akin about sa pinapagawa sa kanya ng upper management, na ishare niya sa bago yung best practices niya para kung sakaling naka-leave siya or in simple words "wala siya" ay may iba na pwedeng magtuloy. To give you a quick context, supervisor siya. Ang thinking niya ay baka tanggalin lang siya eventually kapag daw makita ng upper management na may iba nang kaya gumawa ng ginagawa niya.
I've been wondering before kung bakit walang nagsstep up sa team niya and bakit hindi niya maiwan yung team niya dahil sa walang nakakagawa ng kung anong ginagawa niya, and kanina lang naging malinaw.
Kayo ba? Anong thoughts niyo sa ganitong pov?
Practical bang sabihin sa colleague ko na "ayaw mo ba nun? May naimpluwensiyahan ka?", "ganun talaga, replaceable tayong lahat. Lalo na't ikaw yung nandyan sa posisyon na yan, isipin mo na lang at least may nag-grow because of you."