ANAK
Gusto ko lang mag labas ng sama ng loob at makarinig ng panig o advice mula sainyo. Tatlo kaming mag kakapatid, both parents kaanib na mula bago pa kami isilang. Mula pagkabata, talagang active sa knc, teatro, choir, sa gawain etc. unang naanib ako dahil panganay ako, sumunod yung panglawa sa edad na 16, dahil sa takot na baka bukas wala kana, dahil di mo alam kung anong meron bukas. Kaya yung pagkakataon na mabuti, gawin na. Kasi nga malapit na ang wakas.
Ngayong lumaki at nag matured na ang bawat isa, doon na nag simula na nag sialisan kami, may mga dahilan na gusto ng kalayaan, may dahilan na gusto na ng kapayapaan, pahinga at higit sa lahat ng mga natuklasan, area 52, yung fiesta ng Dios na parade na ginawa nila, mga turo na mismong sila di nmn nila sinusunod, pag tinda ng alak, at higit sa lahat mga messages na nalaman namin mula sa mga officer, gaya ng kung ikaw ay sumasahod na nag rarange na ganito, may mga kanyang kanyang cluster —- “rich family”, “poor family” etc. Na laging usapan ay pera.
Ngayon yung bunso namin mag 16 na binubulungan na siya na malapit na siya ma baustismo, na wag sana magaya saamin mga ate. Pero siya ayaw pa dahil medyo bulakbol pa, gusto muna mag stay sa pagiging bata. Ngayon nalaman ko na gusto ng pangalawa, na ipagaral si bunso sa lugar kung saan siya, na kesyo dahilan ng magulang namin wag malayo, paano pagkakatipon mo, ngayon palang na malapit lang, di ka na dumadalo. Na baka magaya siya sa mga ate niya, at higit sa lahat na masakit na narinig at nalaman namin, na kapag umalis siya “wala na daw siyang mararamdaman na pagmamahal mula sakanila”.
Tama ba yun? Bilang anak ang sakit, kasi hindi naman namin sila pinababayaan, wala naman kaming bisyo, may respeto kami sa mga magulang namin, mabait kaming mga anak. Asan na ang tinuturo nilang pag ibig, na kesyo ang kaaway nga mahalin — eh kami mga anak kami? Anak na umalis dahil may mali na.