Hi, I don’t know if this is the right sub for this. But I really want to let this out…
I’ll be getting married on Q1 of 2027, pero may unexpected na nangyari na isa sa nagpaguho ng mundo ko— my mother suddenly died last March 29.
Sobrang excited niya sa wedding ko. Huling video call namin (she’s ofw), March 28, napag uusapan pa namin ung wedding kasi ang sabi niya pag uwi niya, sponsor daw niya ang wedding ring namin ni g2b.
Sabi ko sa kanya na-book ko na din ang make-up artist niya, since package ang kinuha ko. May color na ang dress niya. Bibili na lang kami pag uwi niya.
Pero di na mangyayari yun. 💔
Then March 29, kinabukasan, nawala siya bigla. 💔
Wedding preparations isn’t as exciting as before anymore. I’m in so much pain that I cannot explain it.
Never in my mind na naisip kong wala ang Mom ko sa wedding ko. Dami ko na plan sa wedding and I picture everything na andun siya.
She’s supposed to walk me down the aisle. 💔