u/Chocobeast1013

Hello po, need some advice lang 🙏 Currently nasa training ako sa isang company pero 2 days pa lang ako hindi ko na feel yung environment and honestly hindi ko rin gusto yung work itself. Ang sabi nila during interview once a month lang yung “area,” pero ngayon parang mas madalas pala siya. ₱150/day lang yung training allowance for 15 days and lugi talaga ako kasi mas mahal pa daily transpo ko, and parang wala rin masyadong work-life balance based on what I’ve observed so far.

Ngayon may pending akong final interview result next week sa isang private company the same time for endorsement na rin ako sa final interview sa isang government agency, so may chances naman ako sa ibang options. Ang concern ko lang is baka next week pagpinirma ako ulit ng contract or bond, mas matali ako kung mag-stay pa ako. May napirmahan na rin akong Deed of Undertaking (training bond ata) pero pro-rated siya (₱150/day × days attended) so maliit pa lang babayaran if ever umalis ako ngayon.

Now I’m torn kung papasok pa ba ako next week habang waiting or stop na ngayon and maghintay na lang ng results at mag-apply elsewhere. Note lang din na 4 months na akong unemployed and medyo malaki na nagastos ko sa pre-employment requirements dyan.

Would really appreciate your thoughts po. Thanks 🫰

reddit.com
u/Chocobeast1013 — 14 days ago