u/ChillGlitch

Okay ba na bumalik ako sa kanya?
🔥 Hot ▲ 90 r/buhaydigital

Okay ba na bumalik ako sa kanya?

Naniniwala ba kayo sa 2nd chance sa clients?

Hindi ako sure kung dapat ba akong bumalik. Kasi di ko alam kung perfectionist siya or may sayad lang talaga.

Micromanaging. Lahat ng gusto niya, sinusunod ko naman pero kulang pa din. Wala akong narinig na ginawa kong tama, lalo na pag bad mood siya.

Ewan ko ba. Pero give ko na sa kanya yung pagka galante niya. Pero not worth it sa attitude niya.

Okay naman na ako sa clients ko now. Okay mental health ko ngayon. Ano sa tingin niyo?

u/ChillGlitch — 5 hours ago