u/CardiologistTast903

As of yesterday, wala na akong natitirang utang, fully paid na. Grabe yung ginawa niya sa mental health ko. Hindi naman siya dahil sa luho, kundi sa medical expenses ng parents ko. Na-overwhelm ako sa gastos, hanggang naapektuhan na lahat, decision-making ko, trabaho, pati finances ko.

Para lang makaraos araw-araw, napilitan akong mangutang, hanggang sa umabot ng around ₱550k. Hindi rin ako makalapit sa mga kamag-anak ko noon, lalo na’t sila rin yung isa sa mga dahilan kung bakit mabigat sa akin emotionally. Yung mga kapatid ko naman, aminado na hindi rin sila makakatulong financially, kaya ako na talaga yung sumalo ng responsibility. Nagbago yung takbo ng lahat nung nagsimulang gumaling si dad. Malaking ginhawa yun, parang nabawasan yung bigat na dinadala ko, at doon ako unti-unting nakabangon.

From there, inayos ko ulit lahat, naging consistent sa work, naghanap ng side hustles, at iisang binayaran yung mga utang ko. Ngayon, mas maayos na ang sitwasyon ko. May ipon na ulit, mas okay na yung health ni Dad (sobrang laking bagay), at higit sa lahat, mas maayos na rin yung mental state ko, hindi na kasing bigat at stressful tulad dati.

reddit.com
u/CardiologistTast903 — 16 days ago