u/Cardinal_Glepnirgin

Mass Jeepney Roberry (Posting for Awareness)

May 9, 2026 around 8:10 am, one stop after waltermart sucat, yung Jeep namin na 1/4 lang napuno biglang naging punong puno pagkapasok ng isang babae na student may sumabay na 8 na lalake tumabi sa halos lahat ng pasahero.

Modus nila, pagkabayad ng target nila ng pamasahe (student) sasabayan nilang lahat ng pagbayad para madistract lahat tas barya pa gamit nila. Pagkatapos lahat ng 7 na kasabwat ng magnanakaw napansin kagad ng driver nakahawak kamay sa loob ng bag kahit yung nasa tabi ko (may dalang 🔪) habang nagbabayad lahat yung magnanakaw na katabi ng babaeng student dinakot yung phone pagkabayad sabay sinabi pa sa student "Ayun yung magnanakaw tumakbo billis baba ka kagad habulin mo, samahan pa kita" medyo disoriented yung student sa lahat ng pangyayari kaya sumunod nalang siya, tas wala pang 100 meters bumaba na din lahat ng kasabwat ng lalaki para nakawan pa lalo yung student ( sumakay silang lahat sa isa pang jeep kung san lumipat student) pagkababa nalang nung mga magnanakaw na sinabihan kami ng driver ng pangyayari, kahit kami hindi man namim napansin lahat sa sobrang sikip.

reddit.com
u/Cardinal_Glepnirgin — 5 days ago