Kagabi nag-usap kami ng partner ko. Sabi ko sa kanya na what if magpa-vasectomy na siya since 2 na anak namin and hindi na ako puwedeng mag-pills dahil 10 years na akong nagpi-pills and bawal na daw sumobra dun as per my OB. So ang ginagawa ko is a vaccine shot. The problem is hindi ako hiyang. Ayoko na rin talaga mag-contraceptive, so gusto ko sana yung partner ko ang magpa-vasectomy. Pero ayaw niya. Masisira daw ang pride niya and gusto niya pa daw ng isa. Sabi ko sa kanya na ayoko na sundan yung mga bata kasi ang hirap ng buhay. Firstborn namin, bigla siyang nag-resign nung 3 months pa lang ang baby namin, so naghanap na ako agad ng work para masuportahan kaming lahat while wala siyang work. Nagkawork na rin naman siya nung nag-1 year old anak namin. After 5 years, sinundan namin yung firstborn namin, pero ako ang lahat ang gumastos from monthly check-up ko and vitamins, every sahod ko bumibili ako ng needs namin ni baby kahit malayo pa ang EDD ko para lang well-prepared ako. Then meron din akong MatBen and HMO, so prepared na rin ang para sa panganganak ko. I explained to him na pagod na ang katawan ko sa pagiging buntis and ayoko na mag-add talaga. I'm very happy with our 2 kiddos. Pero ayaw niya talaga. Sabi ko, what if may mabuo kami bigla, sabi niya tatanggapin daw namin since gusto pa niya ng isa. Sabi ko, paano naman ako? Sinabihan ko siya na kung ayaw niya magpa-vasectomy, mag-abstinence na lang kami since ayaw niya rin talaga gumamit ng condom.
One thing din siguro na ganito ako is because during my pregnancy, palagi siya may ka-chat na mga babaeng pokpok. Naghahanap ng bayaran. Nagtataka lang ako kasi for me, hindi naman ako pangit, edukado akong tao at may career din. Nakikipaghiwalay na rin ako sa kanya dati pa since kaya ko naman buhayin ang mga anak ko at palagi siyang walang trabaho. Pero ayaw niya. Sobrang close din ng mga bata sa kanya since maalaga siya sa mga anak namin.
Sa mga lalaking nagpa-vasectomy or sa may mga partner dyan na ganun ang ginawa, nakakasira ba siya ng katawan or pride talaga?