u/ButterscotchNo8209

7 years WFH, burned out, and planning to take Law School. Need your thoughts.

I’ve been working online since 2019. Nag-start ako na may middleman pa, then nung 2020, nag-direct client na ako. I’ve tried everything: blog writing, scriptwriting, naging EA, and now, nasa recruitment naman ako. I’m thankful for my WFH job kasi it pays the bills, nakakabili ako ng pagkain, at nakaka-afford ng luho. Pero lately, feeling ko wala nang "job security" working online.

Currently, I have one direct client and I work in a company. Pero nakaka-anxiety yung nangyayari—recently lang, isang buong department sa amin ang na-downsize (50% lay-off).

​Gusto ko na sana mag-resign due to health reasons caused by the night shift, plus yung mga bagong policies na implemented by fellow Pinoys lang din. Imagine:

​May tracking ng mouse and keyboard activity.

​Flag ka as "suspicious" kapag walang keyboard activity kahit tapos mo na lahat ng tasks mo.

Sobrang nakakadrain. Tinitiis ko lang talaga dahil kailangan ng pera, pero sobrang hirap na rin maghanap ng bagong work ngayon.

One night, during my break, napaisip ako: "Ano nang gagawin ko sa buhay?" Ang unang pumasok sa isip ko is Law School. May state uni kasi na malapit sa amin na affordable at night class lang, so feeling ko kaya ko pagsabayin sa work kahit papano.

​Actually, Med School talaga ang dream ko (BS Biology graduate ako and working-student na since SHS), pero hindi namin kaya financially. Also, as far as I know di pwede magwork while med school. But with law school, dami kong kilala na may work while studying law. Minsan 3-4x lang rin daw yung classes, nasasayo na yung sipag sa pagbabasa mo.

Hindi ko alam kung tama ba tong naiisip ko or baka nadadala lang ako ng burnout. Plan ko is to take the entrance exam muna. If pumasa, doon ako magdedecide kung itutuloy ko or kung para sa akin ba talaga to.

​I just don't feel the security in freelancing/online jobs anymore. Anyone here na nag-transition from WFH to Law School (or any other career)? Worth it ba na iwan ang digital world para sa bagong career path?

Thanks po!! 🙏

reddit.com
u/ButterscotchNo8209 — 19 hours ago