




3 weeks using skygo pony 100
After ko kumuha ng license tumingin ako sa mga branches ng motorcycle and specifically looking for scrambler/cafe racer types na motorcycle such as keeway 152, earl 150/175, and cafe 150. Normal pricing for brand new ones pero magal padin sakin ang 55k, pero earl talaga main option ko.
Pumunta ako sa branch ng skygo at wala na daw sila binebentang earl 150 at mabenta yung model. Before ako umuwi tumingin ako sa secondhands or tambakan nila ng motor at nakita ko itong pony. 36k cash or 1500 30 months, puno nga lamang ng sapot ng ibot at alikabok pero all electronics working, 1100+km odometer, mukang earl na pinaliit at pwede pang cafe racer yung build.
After ko umuwi ni research ko yung motor kasi nung una ko lang din nakita na nalaman meron palang 100cc si skygo na motor. Basically nag lalabas yung company ng limited monkey bikes merong v1, v2, at v3 version to. Mukang 2024 model yung nakuha ko.
So far yung problema lang naharap ko ay yung oil leaks niya sa oil caps which is kalumaan ng gasket, napalitan ko din naman. Naka stuck lang din naman yung motor for atleast a year bago ko ilabas.
Sobrang tipid sa gas, masaya siya gamitin at e banking sa campus namin. Hanggang 87kph lang top ko niyo sa highway pero pag nag kamote ako baka umabot to ng 100kph.
Gusto ko lang malaman thoughts niyo sa motor na ito if maganda o panget sainyo, pati nadin or tips. Hopefully wala akong problema masyado na harapin in the future, tamang alaga lang talaga like all things.