u/Bet_Technical

I'd like to share my experience about a bike shop that I went to para ma-warn yung iba na magpapa-service ng bike nila especially kapag folding bikes. Yung CS168 na nag-offer ng bike repaint.

My overall experience sa service nila is poor. Yung tipong parang ayaw nila ng pera ko. Nakakahinayang since dun ko pa naman gusto bumili ng 2 units ng Java neo. Yung isa is upgrade dun sa pinagawa ko na folding bike tapos yung isa is gift ko sa younger brother ko.

Pinili ko sila since nakita ko naman sa ads nila sa facebook na competent sila dun sa gusto kong ipa-service sa bike ko which is yung bike repaint tapos plano ko rin ipa-bike check and if possible upgrade yung groupset.

Yung initial interaction is ok naman na-feel ko yung pagiging welcoming nila tapos parang na-guide naman ako tungkol dun sa planong repaint tapos upgrade sa groupset. Kaso, ang ending is yung natama lang nila na service is yung pagpalit ng folding stem sa bike ko.

Eto yung mga na-obserbahan ko throughout dun sa service nila.

Yung contact person ko sa pag-service ng bike is inattentive and lacks initiative sa pag-communicate sa akin. Nung tinanong ko kase regarding sa progress nung pag-paint ng bike nag-ask pa rin sa akin through chat kung ano ba daw talaga yung kulay na gusto ipa-paint. Nakapagtataka on my end kase akala ko na-gets na yung gusto kong kulay. Mind you, 4 days na nakalipas pagkatapos nung initial visit ko sa kanila. Nag-send pa ako sa chat nug shade na gusto ko.

Dito pa lang nakutuban ko na parang ako yung dapat mag-initiate about dun sa progress nung service nila sa bike ko. So what I did was message them once every 3-4 bussiness days days. Yung contact person is parang hindi man lang naka-kutob na concerned ako dun sa progress ng bike. Hindi man lang nag-set ng boundary na I-message ako every week regarding sa progress nung bike.

Nung pumunta uli ako sa shop nila para i-test yung nabiling kong replacement ng folding stem sa bike ko nagtaka uli ako since 8 days prior dito, sinabi nung contact person na tapos na yung paint and I-assemble na lang daw on their end. Mas lalo ako na-inis since di na-keep yung decals ng bike. Akala ko ma-keep yun since naka-dictate naman yun sa na-advertise nilang service.

Yung isa pang nakaka-inis is very confusing yung system nila nung queue sa mga bikes for servicing. Nung tinanong ko sa bike mechanic, may numbering and susunod na daw yung bike ko. Tinanong ko kung ano yung parang estimate date ng pag-assemble ng bike ko tapos sinabi naman is kaya daw matapos that day kaso di ko makukuha ngayon. Nung kinausap ko naman yung contact person na kausap ko, may nagpabuo ng bike so medyo may delay. Nakaka-frustrate kase ibig sabihin mas may priority yung magpapabuo kesa yung mas nauna.

Sinabihan ako nung contact person na I-contact na lang daw ako kapag tapos na (surprise, ako pa rin mag-initiate nung progress in the end) tapos itatanong din daw dun sa nag-paint kung pwede ipa attach pa yung decals na originally nasa bike ko. At this point inis na inis na ako tapos gusto ko ng bayaran lahat nung pina-service para ipa-deliver ko na lang sa bahay yung bike. Yung sinabi naman nung contact person is hindi pa daw pwede since di pa daw sure dun sa price nung groupset na I-upgrade. Gusto ko kase from 6-speed to 9-speed.

3 days after nung pag-visit sa shop nila, tinanong ko uli yung progress. Ang sabi is binubuo pa rin. Mas lalo ako na-inis since sinabi na need rin daw palitan yung wheel set sa bike para sa groupset. Basing naman dun sa usapan nung pinakauna akong punta sa shop nila is; gusto ko originally 10-speed kaso sinabi na may further modification daw sa bike; tapos nag-chime in naman yung isang bike mechanic and sinabi; compatible daw yung 9-speed. Nung papa-alis pa nga ako na-clariy pa sa akin nung contact person yung services na I-avail ko(repaint tapos upgrade ng groupset). At no point na sinabi na need pa rin palitan yung wheelset so I assumed na compatible yun sa bike ko.

At this point I'm just done with all of it. Sinabi ko na lang na I-keep yung 6-speed tapos ipa-send na yung bank details as soon as ready to deliver na yung bike ko. It would take another 4 bussiness days para matapos yung pina-service ko.

Yung overall experience ko sa staff nila is poor in communication and lacks proactiveness. Since piss poor yung overall service nila, it comes off na untrustworthy yung words nung staff nila kaya sa ibang shop na lang ako magpapa-service and bibili ng bike pang-upgrade. On a positive note mas naganahan ako aralin yung pag-ayos ng bike.

reddit.com
u/Bet_Technical — 14 days ago