Hello anyone of you here my idea sa guard sa Don Fabian, I'm not sure if guard sya ng Wilcon but dun sya banda naka standby sa may gitna ng Wilcon and Verde Spatial. I know the guards of Verde and hindi sya one of them.
So earlier, I was walking papuntang grocery sa Robinsons (yung tabi ng Wilcon). Napansin ko na agad siya kasi naka–pilot shades siya and nakatingin siya sa direction ko. Kahit naka-lampas na ako, sinusundan pa rin ng ulo niya yung movement ko, which already made me feel uncomfortable.
Pagbalik ko galing grocery, nakita ko ulit siya, and again, nakatingin na naman siya sa akin. You know that feeling when someone’s looking at you in a weird way? Yung parang may off na energy? That’s exactly what I felt. Habang papalapit ako kung saan siya nakapwesto, tuloy-tuloy pa rin yung tingin niya. It wasn’t just a normal glance... parang prolonged stare talaga, tapos halatang from head to toe yung pag-scan. Kahit hindi ko kita eyes niya dahil sa shades, kitang-kita naman sa galaw ng ulo niya.
Tapos nung nasa side niya na ako, around a meter away, bigla siyang nagsabi ng “hi ganda” in a tone na clearly pambabastos. It felt very inappropriate and uncomfortable, especially since he’s supposed to be a guard, a security guard should make people feel safe, not uncomfortable.
I wanna report him kaso wala ako idea talaga kahit apelido sa uniform nya di ko na nakuha kasi di ko na sya nilingon natakot na ko.
Just sharing this in case may naka-experience din or may idea kung saan siya affiliated. It didn’t feel right at all.