u/Beautiful-Average889

Last week muntikan na akong mag pakamatay. Sinalin ko na yung muriatic acid sa tabo tas tinitigan ko. Di ko pa due nung time na muntik na akong mag suicide pero wala na akong capacity to pay at na isip ko kasi yung harassment pero di ko tinuloy kasi walang makukuha yung pamilya ko sa insurance ko. Inisip ko kasi na wala na talaga akong mapupuntahan. At kinabukasan dumating nga yung due date. Walang tulog at may highblood pako at mataas na cholesterol. Pumasok ako sa trabaho na parang natutuwa ako pag parang nahihilo ako o parang sumisikip dibdib ko kasi atleast pag namatay ako makukuha ng papa ko yung life insurance coverage ko. At yun na nga pag uwi ko nag txt at tumawag na sila sa papa at kapatid ko. Lumuhod ako sa harap ng papa ko at humingi ng sorry. Sinabi ko na muntikan ko na tapusin buhay ko. Pero tinanggap nila ako. Medyo kapos kami ngayon financially kasi sunod sunod yung pagkakaron ng sakit ng mama ko at the next month namatay din yung mama ko. Wala pang isang linggo at marami ng natatangap pero atleast nandito yung papa at kuya ko at yung kaibigan ko na nireference ko. Inunawa nila ako. Sa ating lahat. Kapit lang. This too shall pass. Alam ng Diyos na di natin tinatakasan ang obligasyon natin pero sadyang nagka problema lang. Makakaraos din tayo.

reddit.com
u/Beautiful-Average889 — 16 days ago