Recently, nag post ako regarding sa restructuring sa company namin at may new CEO kami na adik na adik mag reference sa contract.
For context, nahire ako sa company na to nung ang nag mamanage pa yung owner. Involved pa rin sya sa business, pero pinasa na nya yung leadership sa new CEO.
Nung yung owner pa yung hands-on sa business, meron kaming paid leaves (10 days) at 13th month.
Lahat yun tinanggal ng new CEO.
Ngayon, pinapapirma nya ako ng updated contract kung saan nakalagay na yung 'informal practices' (yung pag bigay ng employee benefits nung owner), hindi na mag aapply sa amin na ph-based.
On top of that, nagrerequire siya nitong insurance. Hindi ko nga alam na may ganito pala, wala rin naka disclose na price sa mga insurance website na nag ooffer nito.
Bukod dyan, pag may mali raw nagawa sa work ang hinihingi nya na damage fees is almost 2 million. Grabe, barya na nga lang sahod.
Since mahirap maghanap ng work ngayon, balak ko muna ituloy to until makahanap ako ng bagong work.
May nagrequire na ba sa inyo nito? If meron, magkano binabayaran nyo?