Surname Problem
Hello po. May same case po ba dito sa kapatid ko? Kasal pa po siya sa una niyang asawa pero 11 years na silang hiwalay. Ngayon po ay may bago na siyang kinakasama at mayroon na silang anak. Ang problema po, hindi maipaapelyido sa bata ang surname ng bago niyang kinakasama dahil legally married pa rin po ang kapatid ko sa una niyang asawa. Ayon po sa civil registry, ang dapat daw gamitin na apelyido ng bata ay surname ng unang asawa dahil married ang status ng kapatid ko. Hindi rin daw po puwedeng gamitin ang maiden surname ng kapatid ko dahil married nga po siya base sa records. Nagharap na rin po sila sa barangay ng una niyang asawa at gumawa ng kasulatan na nagsasabing hindi anak ng unang asawa ang bata. Pareho rin po silang pumirma, pero hindi pa rin ito tinanggap ng civil registrar sa city hall. May naka-experience na po ba ng ganitong sitwasyon? Ano po ang ginawa ninyo? May iba pa po bang paraan para surname ng nanay o ng tunay na ama ang magamit ng bata? Salamat po sa sasagot.