Nagpa-disconnect kami ng SKY kase sobrang walang kwenta nila at sinabi na rin ng technician nila na na-cut na daw yung SKY sa Maybunga area. Nag-try kami mag-connect sa globe fiber plan, pero bwiset lang rin yung installation nila hindi pa nagagawa kahit na April pa kami nung nag-order so iniiisp namin i-cancel na lang yung order at kumuha ng converge since rinig ko malakas naman daw yung wifi niya.
Pero nung tinanong namin yung SKY technician ano mga ibang alternatives sa area namin, sabi niya na wala daw Converge sa Pasig, Maybunga area pero nakikita ko naman online na meron. Parang may sinabi pa siya na luma na daw yung line connection ng converge sa area namin????? Kaya gusto ko lang mag-tanong kamusta yung experience ng converge sa pasig, maybunga area???
Need namin ng stable at mabilis na wifi, na kaya rin mag-livestream since work from home kaming lahat sa bahay. Dapat di rin siya mawawala kung may ulan kase ganon rin experience namin dati sa SKY.