u/Available_Size_3972

▲ 1 r/LawPH

Mag aapply sana ako as Factory Worker sa Taiwan. Not until upon checking my docs, may sobrang letter pala sa middle name ng nanay ko. Pumunta ako sa PAO sabi nila buti naissuehan daw ako ng passport, so parang sinasabi nila na nakalusot daw ako. Ngayon problema ko, di ako maka apply dahil sa error na to. Yun nalang sana prob ko hanggang sa kinalikot ko talaga para di na ako magpabalik balik tapos nakita ko mali din pala date of marriage sa BC ko.

Punta ako sa Local Civil Registry. Ang sabi, yung sa middle name ng nanay ko clerical error daw pero yung date of marriage, petition na daw yun. Six months na ang nakalipas nung nafile sa court, wala pa rin initial order. Yun daw kasi ang need bago magpapublish sa newspaper.

Nakalungkot lang kasi eto yung nakakasagabal sa pag apply ko abroad. Nung nag follow up ako ang sabi sakin madami pa daw kaso. Hindi daw priority yung case ko kasi may mas mabigat pa daw na mga kaso ang korte. So hindi pala nakabase kung kelan nafile kung ano yung uunahin? Mag iisang taon na ako wala work dahil dito.

Hindi naman sa naninisi ako. May ginagawa naman ako kaya nga naabutan ako ng ganun katagal kakaantay. Gusto ko lang maintindihan ang proseso ng korte sa mga ganito, kung less prio ba ang ganitong case kasi di nalang sana ako tutuloy mag apply abroad kasi wala naman kasiguraduhan kung kelan maayos tong BC ko. At kung sakali matuloy, anoano yung babayaran ko? Nakapagbayad na ako ng 1k para sa petition, need ko din magpapublish sa newspaper. Nasa magkano kaya yun at ano pa ibang babayaran ko? At sunod na steps after publish? I know this is not a free legal advice but would appreciate replies ng nakaexperience na ng ganito. Kasi kung matagal pa, postpone ko lang muna tong plano kong mag abroad. Salamat.

reddit.com
u/Available_Size_3972 — 9 days ago
▲ 3 r/OFWs

Hi. Hihingi lang sana ako advice if okay ba ang pagiging factory worker as a starting point para makawork at makapunta sa ibang bansa na may mas magandang pasahod?

For context, im a certified public accountant pero pagod na ako sa worksheets, reports, unpaid overtime at kinoconsume ko na weekends. I know na meron din namang overtime sa ibang bansa specially sa pagiging factory worker pero sa ganoong trabaho kasi, need mo lang aralin for a month then paulit ulit na yung trabaho. Yes its physically taxing but not mentally draining. Grabe ang stress ko sa office, the thought palang na papasok na naman ako para umupo maghapon at gumawa ng reports at maghabol ng deadline, nakakawalang gana. Di ko alam kung burnout lang to. Pero hinahanap talaga ng katawan ko yung trabaho na gumagalaw. At pagiging FW sa Taiwan ang una sa option ko sa pag abroad kasi

  • mas malapit sa atin so kung di kayanin, di gaano malaki ang gastos pabalik unlike ibang country na connecting flight pa
  • no need ng mag aral ng language nila unlike japan and korea though mas mataas talaga kitaan dito
  • no placement fees, di need ng masyadong malaking fund

Gustuhin ko man sa ibang bansa, pang Taiwan pa lang talaga ang budget kaya kahit 1 contract at makaipon man lang. Then try ulit sa ibang bansa.

Hindi ko naman totally kinoclose yung doors ko for accounting jobs. Its just that hindi din kasi ako nakapag start sa audit firm so nahihirapan pa din ako mag apply abroad. Ano ba mabibigay niyo na advice? Should I pursue trade jobs o related pa din sa accounting? May nabasa din kasi ako dito for example sa Australia, saturated na daw doon ang CPAs, for other countries need ng audit experience or extensive experience sa pagiging accountant. Kaya nagiging open sa akin ang blue collar job.

May masasuggest ba kayong ibang trabaho? Personally, I always have this mindset naman na lahat pwedeng pag aralan. Sa una di ka talaga magiging magaling agad pero kalaunan through repetition and exposure sa work mo, magiging expert ka na din jan. Cliche man pakinggan pero willing to learn talaga ako. Please. Ayoko ng flowery words. Gusto ko yung sinasampal ako ng katotohanan haha.

  • Like kung need ko ba talaga mag TESDA kung yun ang plan ko, trade jobs?
  • Or need ko lang ba magpahinga at pursue pa din accounting jobs?
  • Or try other jobs other than accounting and FW na may higher income?
reddit.com
u/Available_Size_3972 — 18 days ago