u/AsleepBlacksmith1200

Gusto ko sana magcomplain sa barangay Western Bicutan dahil sa mga Sitio officials na akala ata kanila ang mundo. Meron kasing speaker na tingin ko provided ng barangay ginagamit pag may mga pa announcement. Okay sana kung nagagamit ng maayos, pero ang barumbado ng mga opisyal na yan. Mag aannounce, apakalakas ng mga boses, dikit pa bunganga yung mic ah, nakasigaw pa. May mga side comment pa. Naiistorbo yung peace na dapat meron ka dahil nasa loob ka ng bahay mo. Tas netong umaga, may pa seminar sila, konti lng ang attendees at ang isang opisyal dun sinabi sa speaker na ang mabibigyan lng ng mga ayuda ay ang mga umattend ng seminar. Take note nasigaw pa yan at galit. Ngaun nagpost kami sa fb page ng lugar namin about sa ugali nila. Pero lahat sila matatapang, kaya gusto ko sana magreklamo. Hndi lng to once nangyari, maraming beses na marami na din nagpost anonymously sa page namin tungkol sa ugali nila. Lalo na may mga natutulog dahil galing trabaho at ako as working from home. Pero walang pagbabago sila pa galit dahil nacriticize sila.

reddit.com
u/AsleepBlacksmith1200 — 7 days ago